TV

WATCH: Alden Richards at cast ng 'The Gift,' may pasilip sa kanilang set

By Marah Ruiz

Isang surprise live video ang pinamunuan ni Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards kahapon, October 9.

Alden Richards


Sa pamamagitan ng GMA Drama Facebook page, ipinasilip ni Alden ang waiting area nila sa set ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Nagse-set up pa daw kasi ang crew ng serye para sa kanilang eksena kaya nagpapahinga muna siya kasama sina Jo Berry, Elizabeth Oropesa, Mikee Quintos at Mikoy Morales.

Sinubukan din ni Alden na paglaruan ang iba't ibang filters at nagbigay pa ng mga pabati sa mga nanonood ng kanilang livestream.

Panoorin ang Facebook live ni Alden mula sa set ng The Gift.



Samantala, patuloy na tutukan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

POLL: Visions of the past or future para kay Sep sa 'The Gift'

WATCH: Bagong kakayanan ni Sep, masasaksihan na sa 'The Gift'