TV

LOOK: Bae-by Baste, mapapanood ngayong gabi sa 'The Gift'

By Aaron Brennt Eusebio

Mapapanood ngayong gabi sa The Gift ang co-host ni Alden Richards sa Eat Bulaga na si Bae-by Baste.

Ayon sa Instagram post ni Jo Berry, na tumatayong nanay ni Alden sa The Gift, gagampanan ni Baste ang bagong kaibigan ng karakter ni Alden na si Sep.

"Kilalanin ang bagong kaibigan ni Sep! Mamaya sa #TheGiftNewFriend," sulat ni Jo sa caption.


Kagabi, December 3, sa pagtatapos ng episode ng The Gift, ipinasilip ang magiging eksena nina Bae-by Baste at bida ng programa na si Alden.


Samantala, trending naman agad ang #TheGiftNewFriend sa Twitter ngayong araw, December 4.

Maraming fans ang nag-aabang na sa pagsasama nina Bae-by Baste at Alden sa The Gift.


Panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Beautiful Justice.