TV

Ang sikreto ng litrato sa wallet | Ep. 67

By Marah Ruiz

Sa December 17 episode ng The Gift, aksidententeng masasaktan ni Nadia (Jean Garcia) si Strawberry (Jo Berry) habang pareho silang naka-detain sa presinto.

Samantala, ipapakita na nina Strawberry at Lola Char (Elizabeth Oropesa) kay Sep (Alden Richards) ang litrato na nakita nila mula sa wallet ni Nadia.

Imbis na magalit, sasabihin ni Sep sa kanila na tanggap nitong wala na ang kanyang mga tunay na magulang.

Panoorin ang highlights ng December 17 episode ng The Gift:



Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.