TV

WATCH: Mga kilig moments ng #TeamSepGa sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood, pati na ng mga netizens, sa 'di inaasahang tambalan ng mga karakter nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Sophie Albert sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Tinagurian silang SepGa, hango sa pangalan ng kanilang mga karakter na sina Sep at Helga sa serye.

Nakilala ni Sep si Helga nang naghahanap siya ng taong makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang mga tunay na magulang. Kahit nabigo dito si Sep, nanatili namang kaibigan ng mga Apostol si Helga.

Panoorin ang ilang lang sa kanilang mga kilig moments dito.

Patuloy na panoorin ang huling dalawang linggo ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

WATCH: Alden Richards, masaya sa "relationship" na nabuo sa 'The Gift'

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards at Sophie Albert, nilantakan ang props sa set ng 'The Gift'