TV

WATCH: Elizabeth Oropesa, na-enjoy mag-tape sa Quiapo at Divisoria para sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Huling linggo na ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Kaya naman ibinahagi ng isa sa mga bida dito na si Elizabeth Oropesa ang ilan sa mga hindi niya malilimutan sa serye.

Gumaganap si Elizabeth bilang Lola Char, ang manghuhulang lola ng bidang si Sep na ginagampanan naman ni Alden Richards.

Isa ang kanyang karakter sa naging fan favorites dahil sa mga panalo niyang hirit.

Bukod sa magandang working relationship sa lahat ng tao sa set, espesyal din ang ilang episodes ng serye para sa beteranang aktres.

"'Yung kami noon sa Quiapo--noong maliit pa at noong lumaki (si Sep), 'yung sa Divisoria, at 'yung with Bembol (Roco)," saad niya nang tanungin tungkol sa mga paborito niyang episodes.

Naging special guest sa serye si Bembol Roco na gumanap bilang Crispin, dating kasintahan ni Lola Char.

Alamin ang iba pang mami-miss ni Elizabeth sa The Gift sa online exclusive video na ito.


Samantala, patuloy na panoorin ang huling linggo ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.


WATCH: Jo Berry, mami-miss ang kainan sa 'The Gift'


WATCH: Sophie Albert, 'di inasahang magiging regular sa 'The Gift'