TV

WATCH: Mikee Quintos, nahirapan sa love confession scene sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Inalala ni Kapuso actress Mikee Quintos ang isa sa mga paborito niyang eksena sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Mikee Quintos

Paborito daw niya ang aksidenteng pag-amin ng kanyang karakter na si Amor ng tunay na nararamdaman nito para sa kababatang si Sep, na ginagampanan naman ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

"Favorite episode ko siguro 'yung nadulas si Amor at umamin kay Sep doon sa harap ng simbahan. Isa 'yun sa mga favorite scenes ko. Really working on that, nahirapan ako doon. Pero ang sarap nung feeling after. I had support from Mikoy (Morales) and Alden, really good friends," pahayag ng aktres.

Alamin ang iba pang mami-miss ni Mikee sa The Gift sa online exclusive video na ito.



Samantala, patuloy na panoorin ang huling linggo ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

WATCH: Elizabeth Oropesa, na-enjoy mag-tape sa Quiapo at Divisoria para sa 'The Gift'

WATCH: Jo Berry, mami-miss ang kainan sa 'The Gift'