GMA Logo Kylie Padilla and Raymond Bagatsing
What's on TV

The Good Daughter: Ang malaking pasabog sa 18th birthday ni Bea

By Aimee Anoc
Published August 17, 2021 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Raymond Bagatsing


Ano ang gagawin ni Bea kung malaman niya na may pangalawang pamilya ang ama?

Sa unang linggo ng The Good Daughter, hindi tinanggap ni Sharon Alejandro (Alicia Mayer) ang wedding proposal ni Rico Guevarra (Raymond Bagatsing).

Nalaman na rin ni Rico na mayroonng ibang minamahal si Sharon kaya naman nilunod nito ang sarili sa alak. Nariyan naman palagi para sa kanya ang masahistang si Tina Atilano (Glydel Mercado) na naging karamay ni Rico sa kalungkutan.

Makalipas ang ilang buwan, namatay ang tatay ni Rico at nag-iisa na lamang siya sa kanilang pamilya. Hindi naman niya inaasahan ang pagdating ng isang bisita, ang nanay ni Tina na si Lourdes Atilano (Luz Valdez).

Dahil sa ayaw niyang makitang nahihirapan ang anak na si Tina, sinabi na ni Lourdes kay Rico ang katotohanan na mayroon siyang anak.

Agad namang pinuntahan ni Rico si Tina sa ospital at desididong panagutan ang bata. Inaya na rin nitong magpakasal si Tina dahil gusto nitong maging isang mabuting ama at magkaroon ng isang masayang pamilya.

Lumaking puno ng pagmamahal si Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) at nasusunod ang lahat ng gustuhin nito.

Muli namang nagkrus ang landas nina Sharon at Raymond, at sa pagkikitang ito

nanumbalik ang dating relasyon ng dalawa hanggang sa mabuntis din ni Rico si Sharon.

Sa selebrasyon ng 18th birthday ni Bea, nagpunta si Sharon at ang anak nito. Dito na rin nalaman ni Tina ang katotohanan na mayroong anak sa labas ang kanyang asawa. Sa pag-uusap nina Sharon at Tina, bigla na lamang nagkaroon ng isang malakas na pagsabog.

Dahil sa nangyaring pagsabog, nasugatan si Tina at humingi ng tulong kay Sharon. Pero nang dahil sa inggit at selos, hindi tinulungan ni Sharon si Tina at binagsakan pa niya ito ng malaking bahagi ng pader. Nakita lahat ng bunsong anak ni Sharon ang ginawa niyang pagpatay kay Tina.

Ano na ang mangyayari kay Bea ngayong wala na ang ina nito?

Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:

The Good Daughter: Tina's unrequited love | Episode 1

The Good Daughter: Tina's cheating husband | Episode 2

The Good Daughter: Rico's two timing dilemma | Episode 3

The Good Daughter: Sharon's big reveal | Episode 4

The Good Daughter: Tina confronts the shameless mistress | Episode 5