GMA Logo LJ Reyes, Alicia Mayer, Kylie Padilla
What's on TV

The Good Daughter: Ang pagtira ni Sharon sa bahay ni Rico | Week 2

By Aimee Anoc
Published August 27, 2021 9:53 AM PHT
Updated August 27, 2021 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes, Alicia Mayer, Kylie Padilla


Makakasama na ni Bea sa iisang bahay si Sharon at ang mga anak nito.

Sa ikalawang linggo ng The Good Daughter, tuluyan nang binawian ng buhay ang ina ni Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) na si Tina Atilano (Glydel Mercado) dahil sa biglaang pagsabog sa selebrasyon ng 18th birthday ni Bea.

Pinigilan naman ni Rico Guevarra (Raymond Bagatsing) ang pag-alis ni Sharon Alejandro (Alicia Mayer) at ng mga anak nito papuntang Amerika kapalit ng pagpapakasal dito. Dahil sa ayaw ni Rico na pati ang anak niya kay Sharon ay mawala, pinangakuan niya ito ng kasal.

Pumayag na rin si Rico na tumira sa pamamahay nila si Sharon at ang mga anak nito na hindi naman nagustuhan ni Bea. Inamin na rin ni Rico kay Bea ang pagkakaroon nito ng anak sa labas.

Unti-unti nang sinisiraan ni Sharon si Bea sa ama nito para tuluyan nang mawala ang atensyon ni Rico kay Bea. Hindi naman pumayag si Bea sa pang-aaping ito at pilit na lumalaban.

Samantala, nalaman na ni Sharon na nakita ng bunso niyang anak ang lahat ng nangyari kung bakit namatay si Tina. Kaya naman binalaan niya ito na huwag sabihin sa kahit na sino at makikinig lamang sa kanya.

Makakayanan pa kaya ni Bea na makasama sa iisang bahay ang pangalawang pamilya ng ama?

Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:

The Good Daughter: The good daughter becomes the rebel | Episode 6

The Good Daughter: Julia's traumatic experience | Episode 7

The Good Daughter: Darwin brings trouble in the mansion | Episode 8

The Good Daughter: An impeccable act from the mistress | Episode 9

The Good Daughter: Sharon threatens her own daughter | Episode 10