TV

Barbie Forteza, gustong maging kontrabida ni Thea Tolentino

By AL KENDRICK NOGUERA


Lalong tumitindi ang pang-aapi ng character ni Thea Tolentino sa role ni Barbie Forteza sa The Half Sisters.

Magkapatid sa ina sina Diana (Barbie) at Ashley (Thea) pero hindi matanggap ni Ashley na magkadugo sila. Lalo pang umigting ang galit niya sa kapatid nang malamang si Diana ang mahal ni Bradley, ang lalaking gusto niya. Ashley para sa kanya.

Kuwento ni Barbie, base sa gumagandang kuwento ng The Half Sisters, mas gugustuhin niya na lang daw maging kontrabida ni Thea.

Kung papipiliin daw ng role ay pipiliin niya ang nang-aapi sa kanya. “Si Ashley kasi mas bago siya sa 'kin at hindi ko pa siya nagagawa dati. Eh lagi ko namang sinasabi na gusto ko talagang ma-try lahat,” pahayag ni Barbie.

Pero ayon sa aktres, nag-e-enjoy naman siyang gampanan ang role ni Diana. Aniya, “Masaya rin naman 'yung role ni Diana, 'yun nga lang, parang ang tingin ko na sa kanya [ay] comfort zone ko na.”

Dagdag pa niya, “Kasi nga 'di ba halos lahat naman [ng previous roles ko ay] ganoon na eh. Pero masarap pa rin namang gawin 'yung role na katulad ni Diana.”

Madalas na napapanood si Barbie na inaapi. Sa katunayan nga raw ay sanay na siyang nakatitikim ng sampal o sabunot sa kanyang mga kontrabida.

Ayon sa The Half Sisters star, okay lang naman daw ang character niya. Mayroon lang siyang gustong gawin ni Diana. Saad niya, “Kung ako 'yung papipiliin, sana mas maging palaban man lang si Diana para mas totoo.”

Mukhang magkakaroon na ng katuparan ang hinihiling ni Barbie para sa kanyang role dahil nasisimula nang lumaban si Diana kay Ashley.