TV

Sabunot ni Thea Tolentino o sampal ni Ryan Eigenmann: Ano ang mas masakit para kay Barbie Forteza?

By AL KENDRICK NOGUERA


PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Malayong-malayo ang relationship ng The Half Sisters cast sa napapanood natin tuwing hapon. Kung alam lang ng viewers kung gaano sila ka-bonded off cam magtataka kayo kung paano nila ginagawa ang mga mabibigat na confrontation scenes.

Kung napapanood ninyong pinagtutulungan ng characters nina Ryan Eigenmann at Thea Tolentino ang role ni Kapuso actress Barbie Forteza, sobrang baliktad daw ito sa totoong buhay.

“Actually lahat sila [ay makulit], mukha lang silang seryoso on cam. Kunyari 'pag lunch break o basta 'pag may time na nagkakausap kami, tawanan lang kami nang tawanan. May isang beses nga, five scenes na sunod-sunod na sobrang seryoso, hindi niyo alam na nakailang-takes kami roon kasi tawa kami nang tawa,” saad ni Barbie.

Dagdag pa niya, “Basta lahat sila roon [ay] kuwela, kalog at walang pressure.”

Si Thea at Ryan Eigenmann ang main kontrabida ni Barbie sa Afternoon Prime soap. At madalas, ang mga kamay ng dalawang aktor ang lumalatay kay Barbie sa tuwing papahirapan siya sa mga eksena.

Pero kung tatanungin, sino kaya kina Thea at Ryan ang mayroong mas mabigat na kamay?

“Nakakatuwa nga kasi hindi naman ako nape-pressure kapag siya [Thea] 'yung kasama ko lalo na kapag may confrontation scenes na may sakitan. Hindi ako kinakabahan kasi alam ko na hindi naman talaga niya ako sasaktan. Professional naman si Thea pagdating doon,” ani Barbie.

Kung hindi nasasaktan si Barbie kay Thea, imposibleng wala siyang maramdaman sa mga sampal ni Ryan dahil hindi naman pinepeke ang mga sampal ngayon sa teleserye.

Kung kay Thea daw ay puro sabunot ang natatamo niya, mas solid daw ang pananakit ni Ryan. “‘Yung krompal (sampal) more on kay Sir Ryan,” saad ng The Half Sisters star.