TV

Sino sa cast ng ‘The Half Sisters’ ang dapat regaluhan ni Santa Claus?

By AL KENDRICK NOGUERA

Sabi nga nila, lahat daw ng nagpakabait this year ay makatatanggap ng blessings this Christmas season! Sino kaya sa The Half Sisters cast ang deserving na makakuha ng regalo mula kay Santa Claus?

Inisa-isa ng GMANetwork.com ang characters ng Afternoon Prime soap na karapat-dapat na regaluhan dahil sa kabaitan na kanilang ipinakita.

Diana (Barbie Forteza)

Sobrang pagtitiis ang ginawa ni Diana dahil sa hirap ng buhay niya noon. Kahit na pinagtutulungan siya nina Ashley at Alfred, pamilya pa rin ang kanyang nasa isip kaya’t hangga’t maaari ay tinitiis niya ang pagmamaltrato sa kanya at hindi gumaganti.

Rina (Jean Garcia)

Noong bulag si Rina, dinanas niya ang kaasamaan ng asawang si Alfred. Nagawa ng kanyang asawa na lokohin siya nang harap-harapan at pinatira pa sa kanilang bahay ang kanyang babae na si Jackie. Ngayon namang nakakakita na siya, tanging hangad niya ay magkaayos ang kanyang dalawang anak na sina Diana at Ashley.

Doña Elizabeth (Gloria Romero)

Siya ang dahilan kung bakit muling nakabangon si Rina. Siya ang nagpagamot ng mga mata nito at binigyan niya ito ng isang marangyang buhay. Dahil dito, nabawi na rin ni Rina si Diana at naibigay ang maayos na buhay na noon pa niya dapat nakuha.

Baste (Derrick Monasterio)

Sa gitna ng problema, hindi iniwan ni Baste si Diana. Lagi siyang nasa tabi ng kaibigan kahit na alam niyang hindi siya nito mahal. Hindi importante sa kanya ang nararamdaman dahil mas importante ang kay Diana.

Bradley (Andre Paras)

Kahit na pilit ipinagtatabuyan ng kanyang ina si Diana, hindi pa rin humihinto si Bradley sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal. Dumating sa puntong kailangan ni Diana ng pera dahil nanganganib ang buhay ng kanyang Lola Lupita at si Bradley ang gumawa ng paraan para makapagbayad sila sa ospital.

Alamin kung masusuklian ba ang kabaitan nila sa pamamagitan ng pagsubaybay sa The Half Sisters, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.