TV

Barbie Forteza, may inamin tungkol kay Thea Tolentino

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com

Mayroon daw iilang artista ang lumalaki ang ulo kapag sumikat na pero mayroon din namang iba na napaka-humble pa rin kahit kilalang-kilala na.

Isa raw sa mga artistang marunong lumingon sa pinanggalingan si Thea Tolentino. Ayon 'yan mismo sa kanyang The Half Sisters co-star na si Barbie Forteza.

"Sobra niyang bait. At saka gustong-gusto ko siya kasi hindi pa siya naiimpluwensyahan ng showbiz," pahayag ni Barbie.

Bukod pa rito, mukhang malabo raw na lumaki ang ulo ni Thea dahil very down to earth daw ang aktres. "Totoo siyang tao. Hindi siya plastik at hindi siya maarte," ani Barbie.

Kung sa Afternoon Prime soap ay mortal silang magkaaway, offcam daw ay close na close sina Barbie at Thea.

READ: Thea Tolentino, umaming na-insecure kay Barbie Forteza 

"'Yung mga away-away namin sa show, sobrang kabilgtaran kami sa totoong buhay. Siya lang [ang] napagsasabihan ko ng kung anong gusto kong sabihin kasi alam kong hindi niya ako idya-judge," pagtatapos ni Barbie.