TV

Barbie Forteza, umaming nami-miss si Derrick Monasterio

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com
 
Malalim na rin ang pinagsamahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa showbiz industry. Bukod sa The Half Sisters, nagkatrabaho na rin ang dalawa sa ilang GMA projects tulad ng Anna KarenNina, Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa, Tween Hearts at Tween Academy: Class of 2012.

LOOK: Stars of 'Tween Academy:' Where are they now?

Kaya naman nang mamatay ang character ni Derrick na si Baste sa Afternoon Prime soap, naramdaman ni Barbie na mayroong kulang tuwing nasa taping siya.

"Oo, nami-miss ko siya," pahayag ni Barbie.

Kuwento ni Barbie, si Derrick daw ang pinaka-close niya sa set kaya't malimit ay silang dalawa ang nagkukulitan.

READ: “Kahit maghubad ako sa harap niya (Barbie Forteza), okay lang” – Derrick Monasterio 

Ani Barbie, "Nakaka-miss 'yung kakulitan niya na 'pag madaling araw na, isa siya sa 'min. Kaming dalawa lang pala 'yung nagpapaingay. Haha!"

"'Yung pagiging kalog niya, nakaka-miss din talaga," dagdag pa ng The Half Sisters star.