TV

Ruru Madrid, bagong karakter sa 'The Half Sisters'

By AL KENDRICK NOGUERA



Kakalabas lang ng role ni Ruru Madrid na si Joaquin Castillo sa nangungunang Afternoon Prime soap na The Half Sisters.

Sa kanyang pagpasok, magkakaroon muli ng kaagaw si Bradley (Andre Paras) kay Diana (Barbie Forteza).

"Well 'yung pagpasok ko po, parang nakita ko lang si Diana na parang ninakawan siya ng riding in tandem ng bag. So ipinagtanggol ko siya," pagbabahagi ni Ruru ng kanyang unang eksena sa Afternoon Prime soap.

Ikinumpara ni Barbie ang personalities nina Joaquin at Bradley. "'Yung character niya [Joaquin] ay sobrang kabaligtaran ni Bradley kasi si Bradley mabait [at] gentleman. Siya hindi, medyo suplado," saad niya.

Bukod kay Joaquin, marami pa raw aabangan ang viewers sa The Half Sisters. "Bilang pahaba po nang pahaba, marami pa po talaga kayong aabangan. Isa na dyan ay mayroong maaaksidente. At saka may mawawala," pagtatapos ni Barbie.