Kilalanin ang mga kasama nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa fantasy-romance series na 'The Lost Recipe.'
Nitong January 18, nagsimula na ang bagong timpla ng Philippine drama na handog ng GMA Public Affairs na 'The Lost Recipe.'
Sa unang episode pa lang, ipinakita na ang exciting na kuwento ng bagong serye na mapapanood sa GMA News TV. Ipinakilala na rin ang ilang mga karakter na makakasama nina Chef Harvey (Kelvin) at Chef Apple (Mikee) sa kanilang kakaibang love story.
Silipin kung sinu-sino ang mga artistang ito at ang kanilang mga karakter na gagampanan sa 'The Lost Recipe.'
Si Kelvin Miranda ang bagong Kapuso leading man na gaganap sa karakter na Harvey Napoleon.
Si Mikee Quintos naman ang lead actress na mapapanood bilang si Apple Valencia.
Abangan ang pagganap ni Thea Tolentino bilang Ginger Romano.
Ang aktor na si Paul Salas ay makikilala natin bilang si Frank Vergara
Si Lucho Ayala ay gaganap bilang si Benedict Napoleon
Mapapanood din si Maureen Larrazabal bilang si Cherry Valencia.
Abangan kung paano bibigyang buhay ni Almira Muhlach ang kanyang karakter ni Hazel Romano.
Mapapanood si Sue Prado sa The Lost Recipe bilang si Honey Napoleon.
Si Ariella Arida ay makakasama rin sa fantasy romance series bilang si Lotus Mandela.
Makikilala rin natin si Topper Fabregas sa kanyang pagganap bilang Alfredo Legazpi.
Abangan si Phytos Ramirez bilang Chef Tom.
Si Prince Clemente ay makakasama rin bilang si Chef Kobe.
Ang chef at 2016 Food Hero Asia winner na si Anton Amoncio ay mapapanood bilang si Chef Filbert.
Makikita natin ang kakaibang pagganap ni Faye Lorenzo bilang Chef Pepper.
Si Crystal Paras naman ang magbibigay buhay sa karakter ni Chef Nori.
Si Kim Rodriguez ay ipapakilala bilang si Dulce.
Ipapakilala sa 'The Lost Recipe' si Manilyn Reynes bilang ang iconic na creator ng adobo recipe na si Conchita Valencia.
Si Gabby Eigenmann naman ang batikang food critic na si Chef Waldorf.
Si Allan Paule ay mapapanood bilang ama ni Chef Harvey na si Reuben.
si Jose Sarasola ay gaganap bilang chef mentor na si Chef Maki sa 'The Lost Recipe.'
Si Nikki Co ay ang makakatapat ni Harvey sa kanyang pagganap bilang Bran.
Ang batikang aktres na si Lui Manansala ay abangan sa 'The Lost Recipe' bilang si Sugar Valencia.
Makikilala na rin ang karakter ni Arny Ross na si Brie sa mga susunod na episodes ng 'The Lost Recipe.'