Nagsimula na ang lock-in taping ng romance-fantasy series na pagbibidahan nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.
Malapit na ipakita nina Kelvin at Mikee ang kanilang nakakakilig na kuwento sa The Lost Recipe sa GMA News TV. Sina Mikee at Kelvin ay sumalang na sa taping bilang paghahanda sa nalalapit nitong pag-ere sa telebisyon.
Bukod kina Kelvin at Mikee, nasa lock-in taping rin sina Lui Manansala, Topper Fabregas, at Maureen Larrazabal. Sa mga unang eksena na kanilang kinunan ay nakasama ni Mikee sina Lui at Maureen. Naging magkaeksena naman sina Kelvin at Topper.
Silipin ang mga naganap sa lock-in taping ngThe Lost Recipe.
Handa na magpakilig ang tambalang Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa 'The Lost Recipe.'
Si Mikee Quintos ay gaganap bilang Apple Valencia.
Si Kelvin Miranda naman ay mapapanood bilang Harvey Napoleon.
Mapapanood rin sa 'The Lost Recipe' si Paul Salas bilang si Frank Vergara.
Malapit na natin malaman ang ugnayan nina Frank at Apple.
Abangan ang magiging kuwento nina Harvey, Apple, at Frank sa 'The Lost Recipe.'
Kasama rin sa programa si Lui Manansala.
Sinisimulan nang kunan ang mga eksena nina Mikee at Lui sa 'The Lost Recipe.'
Si Topper Fabregas ay isa rin sa mga dapat abangan sa 'The Lost Recipe.'
Sina Kelvin at Topper ay nagkaharap na sa taping ng 'The Lost Recipe.'
Mapapanood sa romance-fantasy series si Maureen Larrazabal bilang Cherry Valencia.
Nag-bonding na sa lock-in taping sina Mikee at Maureen.
May mga kilig moments rin sina Kelvin at Mikee.
Abangan ang #MiKel soon sa 'The Lost Recipe.'