TV

Gabby Eigenmann, na-excite sa kanyang role at sa istorya ng 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino

Ikinatuwa ni Gabby Eigenmann na napabilang siya sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.

Sa mensaheng ipinadala ni Gabby sa GMANetwork.com ay ibinahagi niya na natuwa siya sa kuwento na hatid ng bagong seryeng ito. Si Gabby ay magkakaroon ng cameo appearance bilang si Waldorf.

Photo source: @gabbyeigenamann


"Bitin! Hahaha!" Ito ang bungad ni Gabby nang ikinuwento niya ang kanyang pagganap bilang Waldorf.

Dugtong pa niya ay ang pag-amin niya na natuwa siya sa script ng The Lost Recipe.

"Honestly, when I read the script nagandahan [ako] sa concept. Naaliw ako, I'm also a chef (only in the house) so naka-relate ako... but importantly, I'm also a foodie. I'm not really picky with food but I know what I like at uulit-ulitin ko kainin 'yun 'pag gusto ko. My character as Waldorf is like that. I may not be a food critic in real life pero na-excite ako sa character."

Hanga rin umano si Gabby sa kanyang kaeksena at isa sa bida ng The Lost Recipe na si Kelvin Miranda.

"I've worked with Kelvin sa Wish Ko Lang, seen him in Dead Kids so medyo alam ko na how he works.

"Magkakilala na kami, and honestly speaking, isa ako sa natuwa sa kanya when he got this project. Magaling at marunong si Kelvin. I can't wait to see more of him. Sana humaba pa character ko."

Inamin naman ni Gabby na gusto niyang makatrabaho ng mas matagal si Mikee Quintos.

"With Mikee naman, this is the first time working with her but nevertheless, parang matagal na kami nagkatrabaho.

"Off cam magkakilala naman kami; masarap kausap and you know what she wants in this industry. She loves to do music too so halos pareho kami. Would love to work with her longer, kasi 'di pa kami nagkaeksena."

Abangan si Gabby bilang Waldorf sa The Lost Recipe soon sa GMA News TV.

Kilalanin ang cast ng The Lost Recipe na sumailalim sa kitchen training sa gallery na ito.

Embed link of gallery: