TV

Manilyn Reynes, may espesyal na pagganap sa 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino

Puno ng pasasalamat si Manilyn Reynes na kabilang siya sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.

Saad ni Manilyn sa kanyang mensaheng ipinadala sa GMANetwork.com, masaya siya sa kanyang pagganap sa karakter na Conchita.

Photo source: @manilynreynes27
"First all of all, thank you, The Lost Recipe, for giving me this role."

Kuwento pa ni Manilyn, ang role na Conchita ay malapit sa kanyang puso.

"It's a role so close to my heart-- Conchita. A loving mother, who will do everything to make sure she provides for her daughter (Consuelo), that she leaves her something that will help her make it through tough times."

Sa The Lost Recipe ay magkakatrabaho muli sina Manilyn at si Kelvin Miranda. Ibinahagi ni Manilyn na masaya siya na bibida na sa isang proyekto si Kelvin pagkatapos nilang magkatrabaho bilang mag-ina sa Madrasta.

"Nakakatuwang isipin na ang aking Barry (Kelvin) ay bida na! Si Marcelo/Harvey, dito sa The Lost Recipe. Nag-comment nga agad ako when Mr. Mychal (John Mychal Feraren) posted about the show. Kasi, mahusay ang batang ito. Masaya nga ako, at masuwerte, na ang mga nagiging anak ko sa soap ay hindi lang mahuhusay, mababait at magagalang pa. Nakakatuwang kasama, parang mga anak ko na talaga sila."

Dugtong pa ni Manilyn ay ang paghanga sa maturity na nakita niya kay Kelvin.

"Si Kelvin, nakikinig 'yan sa pangaral at payo. Actually, mature siyang mag-isip. Nakausap ko na siya nang masinsinan dati, mahusay. 'Wag lang siyang matutulog ha? Haha! Tanungin niyo po siya, tungkol dito."

Gaganap naman si Manilyn bilang ina ni Mikee Quintos sa The Lost Recipe. Kuwento ni Manilyn ay humanga siya sa talento ng aktres.

"Special mention ang isa ko pang anak - ang anak ko sa show, si Mikee, na magaling at napakagaan ding kasama. Ang saya lang din namin. Pero siyempre, 'pag seryoso ang scene, bitaw muna sa kulitan.

Para kay Manilyn, ang dapat abangan sa The Lost Recipe ay ang kakaibang kuwento nito na may aral at mensahe ng pagmamahal.

"Ang kakaibang timpla nito. Ang pagsanib ng luma at bago. 'Yung mapapatanong ka ng: "Totoo ba?," "Puwede ba 'yon?" at "Paano?" Kung ikaw ay mahilig magluto, curious sa pinagmulan ng mga bagay-bagay, at nagmamahal, para sa iyo ang "The Lost Recipe."

Nagpasalamat naman ang aktres sa kanyang mga katrabaho sa proyektong ito at sa GMA Network.

"Thankful po ako kina Mr. Mychal at Direk Monti, sa aming AD na si Ralph, at sa staff and crew ng The Lost Recipe. Marami na kaming show na pinagsamahan. 'Yung iba ngayon ko lang nakatrabaho, masaya at magaang lahat kasama. Siyempre, sa ating Kapuso GMA 7, maraming salamat po."

Abangan si Manilyn Reynes bilang Conchita sa The Lost Recipe soon sa GMA News TV.

Silipin ang ilang mga eksena sa lock-in taping ng The Lost Recipe sa gallery na ito: