
Ihahain na ngayong gabi, January 18, ang pilot episode ang pinakabagong romantic series na The Lost Recipe na handog ng GMA Public Affairs.
Tampok sa serye ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda na handa nang magpakilig at maghatid ng iba't ibang emosyon sa viewers.
Source: The Lost Recipe Facebook page
Ngayong umaga, nakapanayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago para sa Unang Hirit ang dalawa kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga naging preparasyon para sa The Lost Recipe, gayundin ang mga pagkaing pwede nilang ihalintulad sa sa isa't isa.
Ayon kay Kelvin, parang “grilled cheese” si Mikee para sa kanya habang “salt and pepper” naman ang turing ng aktres sa aktor at hirit niya sa kapareha, “you season my life with flavors.”
Kuwento pa nila, hindi raw nila tinatago sa isa't isa ang nararamdaman nilang kilig sa tuwing magkaeksena nila.
Tukso pa ni Kelvin kay Mikee, mas “vulnerable” daw ang huli sa charm niya.
“Vulnerable ka, vulnerable din naman ako pero mas madalas mong binibigkas 'yung nararamdaman mo so…,” anang aktor.
Samantala, bago sumabak sa taping ay dumaan muna sila sa culinary training para mas lalong mahusay na magampanan ang kanilang roles bilang chef.
Source: The Lost Recipe Facebook page
Aminado rin silang naging challenging ang lock-in taping ngunit masaya silang nakabalik na sila sa pag-arte.
“Masaya po, tiring. Na-realize kong nakakapagod ang trabaho ng mga chef. It's a different kind of grind but it's very interesting,” ani Mikee.
Dahil sa coronavirus pandemic, mas marami raw silang adjustment na ginawa.
“May pandemic at talagang nag-a-adjust lahat ng tao. Kasama dun 'yung sobrang pag-iingat sa isa't isa although maraming adjustments,” sabi ni Kelvin.
Aniya pa, “Nakakapagod siya pero 'yung appreciation nakakatuwa. Nakakawala siya ng pagod.”
Bukod kina Kelvin at Mikee, tampok din sa cast ng The Lost Recipe sina Paul Salas, Thea Tolentino, Lucho Ayala, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach, Sue Prado, Topper Fabregas, Phytos Ramirez, Prince Clemente, Anton Amoncio, Faye Lorenzo, at Crystal Paras.
Kilalanin sila sa gallery na ito:
Ang The Lost Recipe ang isa sa mga bagong handog ng GMA Public Affair ngayong 2021 at mapapanood na ito simula January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.
Panoorin ang buong panayam nila sa video sa itaas.
RELATED CONTENT:
'The Lost Recipe' cast, nagbahagi ng diet tips