TV

'The Lost Recipe' actor Paul Salas, takot mawala sa showbiz industry

By Maine Aquino

Sa media conference ng The Lost Recipe, ikinuwento ni Paul Salas ang ilan sa kanyang mga ikinakatakot sa buhay. Isa umano rito ay ang mawala sa showbiz industry.

Ayon kay Paul isa ito sa mga gusto niyang baguhin sa kanyang sarili ngayong 2021.

Kuwento ni Paul, naging ugali na kasi niya ang mag-overthink tungkol sa kanyang career.

Photo source; The Lost Recipe

Pag-amin ni Paul sa entertainment writers, “Siguro po iwasan o bawasan po ang pag-overthink ko.”

“Minsan kasi, nag-o-overthink ako kung saan ba mapupunta ang career ko. Saan ba mapupunta ang passion ko sa pag-acting, na baka mawala ako sa industriyang ito. May fear po akong ganon e, na mawala po ako sa industriyang ito dahil nga ito nga ang mahal kong gawin, ang pag-acting."

Kaya naman ayon kay Paul ang pagbabawas sa sobrang pag-iisip ang ginawa niyang New Year's resolution ngayong 2021. Inamin rin niyang gusto niyang mag-focus sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya.

“New year's resolution ko ngayon is bawasan ang pag-overthink and maging happy lang kumbaga maging focused at happy sa life. Ganon kasi minsan grabe ako mag-overthink e. may mga nights na hindi ako makatulog dahil sa pag-o-overthink ko ganon.”

Lumala umano ito dahil sa nangyaring lockdown dahil sa pandemya.

“Noong 2020 kasi noong nagka-lockdown, noong nagka-pandemic, mas naging worst 'yung pago-overthink ko. Nababawasan naman na po ngayon.”

Bukod sa mga pagbabago sa kanyang sarili, isa pang ibinahagi ni Paul na gagawin ngayong 2021 ay ang pagsisimula ng negosyo.

Ani Paul, “Last year ko pa sinasabi sa sarili ko 'yun, ngayon kailangan ko nang i-push talaga.”

Ang passion ni Paul sa mga sasakyan ang naging inspirasyon nya sa kanyang ipapatayong negosyo.

“Mahilig po kasi ako sa mga setup ng sasakyan. So gusto ko na ring mag-start ng nagsi-sticker ng sasakyan... 'yung pa iba-ibang kulay and car wash siguro. Baka mag-start po ako nun this year kapag maluwag na 'yung mga safety protocols.”

Dugtong pa ng aktor, “2020 plano ko na 'yan noong March. Kaso nagka-lockdown.”

Abangan ang pagganap ni Paul bilang Frank Vergara sa The Lost Recipe. Mapapanood ang bagong fantasy-romance series ng GMA Public Affairs simula January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

'The Lost Recipe' actor Paul Salas, inaming mas nakaka-stress ang love life kaysa trabaho

Full trailer ng 'The Lost Recipe,' umani ng papuri mula sa netizens