Article Inside Page
Showbiz News
Tulad ng karakter ni Kelvin Miranda sa 'The Lost Recipe,' may gusto rin siyang baguhin sa kaniyang nakaraan.
Inamin ni Kelvin Miranda na may mga sandaling gusto siyang balikan sa kaniyang buhay para baguhin ang ilang mga bagay.
Ikinuwento ito ni Kelvin sa ginanap na media interview para sa finale ng The Lost Recipe.
Photo source: The Lost Recipe
Tulad ng kaniyang karakter na si Chef Harvey, may gusto rin siyang baguhin sa nakaraan.
Saad ni Kelvin, "Gusto ko balikan 'yung mga oras na natakot ako magdesisyon. Natakot ako na magkamali."
Pag-amin ni
Kelvin, hindi niya pa alam na noong panahon na 'yun na ang mga kinakatakutan ay maghahatid sana sa kaniya sa mga aral na dapat niyang matutunan.
"Hindi ko naisip noong mga time na 'yun na kapag nagkamali ka pala ay mas matututo ka sa realidad, sa sarili mo. Mas makikilala mo kung sino ka."
Naging emosyonal naman si Kelvin sa kaniyang sagot nang inamin niya na sana ay pumayag na lang siya noon sa lahat ng bagay at hindi nagpadala sa takot.
"Gusto kong balikan 'yung mga times na 'yun na sana umoo na lang ako sa lahat ng bagay. Umoo na lang ako sa lahat ng opportunities at hindi ako natakot."
Sa interview noon ng GMANetwork.com kay
Kelvin ay pinayuhan nya rin ang kaniyang sarili na huwag matakot sa kung ano mang mga bagay na dadating sa buhay. Ayon sa kaniya, ito ang magiging tulay para makamit ang kahit ano mang pinapangarap.
"Ibigay mo na 'yung best mo sa simula pa lang; no hesitations. Do your best. Wag kang magpadala sa paligid mo."
Abangan ang magaganap kay Harvey sa finale ng
The Lost Recipe mamayang 8:50 p.m. sa GTV.
Silipin ang career highlights ni Kelvin sa gallery na ito