TV

Andrea Torres at Ina Raymundo, magpapatalbugan sa isang swimsuit showdown sa 'The Millionaire's Wife'

By AL KENDRICK NOGUERA

Mas paiinitin nina Andrea Torres at Ina Raymundo ang inyong mga hapon sa mga susunod na episodes ng The Millionaire's Wife dahil magkakaroon ang dalawang sexy actresses ng swimsuit showdown sa Afternoon Prime soap.

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, isang pool party ang eksenang pagsasamahan nina Andrea at Ina. Kahit 40 years old na at mayroon ng limang anak, hindi umurong si Ina at nakipagsabayan sa 26 taong gulang na aktres.

Pag-amin ng dalawa, kahit daw sila ay nabibigla sa kanilang mga eksena. "Sobrang painit nang painit talaga. Kahit ako, nasa-shock na 'ko sa next na mangyayari," saad ni Andrea.

Dagdag naman ni Ina, "Kapag dumarating 'yung script, may kaba."

Hanga raw si Andrea kay Ina dahil may asim pa ang veteran actress. "Tinatanong ko na nga 'yung secrets niya eh," anang Kapuso star.

Hindi naman ipinagdamot ni Ina ang kanyang ageless beauty tips at agad itong ibinahagi. Aniya, "You have to eat well and siyempre 'yung gym, 30 percent lang 'yan eh, 70 percent [ay] 'yung kinakain mo."

Bukod sa swimsuit showdown, abangan din ang intimate scenes nina Ina at Andrea kina James Blanco at Mike Tan sa The Millionaire's Wife.

Video from GMA NEWS

MORE ON ANDREA TORRES AND INA RAYMUNDO:

Andrea Torres, hindi naiilang sa mga eksena nila ni Robert Arevalo

Ina Raymundo on Jaclyn Jose: "She's my peg!"

Andrea Torres on her latest role: "Worth it ang hinintay ko"