
Bago ang nalalapit na pagpapalabas ng action suspense drama series na The Missing Husband, nagkita-kita online ang buong cast at direktor para sa isang media conference.
Sa naturang media con, ibinahagi ng cast na proud at masaya silang lahat na makatrabaho ang isa't isa.
Ang isa sa lead stars na si Yasmien Kurdi, itinuturing na pamilya ang kanyang co-stars.
Pahayag ni Yasmien, “Grabe kasi 'yung pagkakaibigan naming lahat dito, hindi lang workmates, parang family talaga kami. Kahit wala na pong trabaho, lumalabas pa rin po kami at kumakain.”
“Lahat ng cast, crew, naging close kaming lahat,” dagdag pa ng award-winning actress.
Ayon naman kay Michael Flores, “Very proud ako na nakasama ko sila [cast ng The Missing Husband].”
Pagbabahagi naman ni Shamaine Buencamino, “Ang naging bonding ng group na ito is eating out. Makuwela ang group, makuwento sa isa't isa pero professional."
Bukod sa mga aktor, nagbigay din ng pahayag ang direktor ng serye na si Direk Mark Reyes, “Masayahin ang set grabe, all of them are guilty for that.”
Dagdag pa ni Direk Mark, “I'm very thankful, rich na rich 'yung pag-portray ng mga karakter sa The Missing Husband.”
Samantala, bibida sa upcoming series sina Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, at Rocco Nacino.
Abangan ang pagsisimula ng The Missing Husband sa August 28 sa GMA Afternoon Prime.