TV

Yasmien Kurdi, papayagan bang mag-artista ang anak na si Ayesha?

By EJ Chua

Gaya ng award-winning actress na si Yasmien Kurdi, talented din ang kanyang anak na si Ayesha Zara.

Sa media conference para sa bagong seryeng pagbibidahan ni Yasmien na The Missing Husband, proud na proud siyang ibinahagi na maraming talent at unique skills ang kanyang anak.

Kabilang na rito ang pagkanta, pag-arte, pagsayaw, at pati na rin ang husay ni Ayesha pagdating sa hosting.

Pahayag ng aktres,"When it comes to singing, acting, she loves dancing, and she loves hosting. Actually, si Ayesha kaya niyang mag-[produce] ng sarili niyang hosting show kahit pagsalitain mo 'yan nang ilang oras, kaya niya 'yan.”

Kasunod nito, ibinahagi ni Yasmien kung ano ang reaksyon at desisyon niya kung sakaling gustong sumunod sa yapak niya ang kanyang anak.

"Tingnan natin kapag nakapag-aral siya, Okay lang naman sa akin, wala namang problema kung magiging artista rin si Ayesha.”

Bukod sa mga nabanggit na talents ni Ayesha, kamakailan lang ay nagpakita rin ito ng kahusayan sa pagtugtog ng piano at pati na rin sa larangan ng gymnastics.

Si Ayesha ang unica hija ni Yasmien sa kanyang non-showbiz husband na si Rey Soldevilla.

Samantala, mapapanood si Yasmien bilang OFW na si Millie sa The Missing Husband, magsisimula na sa August 28 sa GMA Afternoon Prime.