
Kasalukuyang napapanood sa GMA Afternoon Prime ang action suspense drama series na The Missing Husband.
Sa nakaraang episodes nito, napanood kung paano nagsimula ang love story nina Anton at Millie, ang mga karakter nina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi.
Kalaunan, natunghayan din kung paano nasangkot sa isang investment scam sina Anton at Millie.
Sa bagong episode ng serye na ipapalabas ngayong Martes, September 12, makikilala na ang bagong karakter sa serye.
Mapapanood na sa naturang afternoon series si Jak Roberto.
Gagampanan niya ang role ni Joed, ang pulis na magha-handle sa kaso ni Anton matapos itong maipit sa pangsa-scam ni Brendan (Joross Gamboa).
Sa previous interviews ng Sparkle star at tinaguriang 'Pambansang Abs' na si Jak, ibinahagi niyang matagal na niyang gusto na muling mapabilang sa action series o kaya naman ay gumawa ng action scenes.
Panoorin ang ilang pasilip sa episode na mapapanood mamaya:
Huwag palampasin ang susunod pang mga tagpo sa bagong seryeng handog ng GMA.
Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.