TV

Jak Roberto, may bagong business venture?

By EJ Chua

Bukod sa acting career, may bagong paglalaanan ng oras ang Kapuso hottie at The Missing Husband actor na si Jak Roberto.

Isang bagong vlog ang inupload ni Jak sa kanyang YouTube channel, kung saan ang highlight ay ang kanyang bagong negosyo.

Sa naturang vlog na may pamagat na "My New Business Office Blessing," nagpahapyaw si Jak na JC Essentials ang pangalan ng kanyang business.

Ayon sa kanya, papahulaan daw niya sa netizens at kanyang fans kung ano ang ibebenta niyang products.

Ipinasilip din ni Jak Roberto ang bawat sulok ng kanyang office at ipinagdasal na sana ay maging maganda ang takbo ng kanyang business.

Sa kalagitnaan ng vlog, binanggit ni Jak na bukod sa pagkakaroon ng lugar para sa kanyang business, papasukin niya rin ang pagla-live selling.

Sinabi rin ni Jak na dapat abangan ng netizens ang kanyang susunod na vlogs dahil marami siyang sopresa at mga palaro na inihanda para mapasaya ang kanyang fans at supporters.

Supportive naman ang fans ni Jak at ang ilan ay nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para sa aktor.

Samantala, napapanood si Jak sa The Missing Husband bilang si Joed.

Patuloy siyang nakakatanggap ng papuri mula sa mga manonood dahil sa husay niya sa pag-arte bilang isang pulis.

Subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: www.gmanetwork.com/entertainment/tv/the_missing_husband/home/?amp