TV

WATCH: Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe, may inamin tungkol sa kani-kanilang ex-boyfriends

By Marah Ruiz

Dahil tungkol sa past relationships and kanilang upcoming project, aminado ang mga top Kapuso dramatic actresses na sina Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe na minsan ay napapag-usapan talaga nila ang kanilang mga ex-boyfriends.
 
"Of course may mga usapan, kuwentuhang ex," pahayag ni Max, na pinalad na magkaroon ng pinakapribadong love life dati kumpara sa dalawa niyang co-stars.
 
Non-showbiz kasi ang mga nakarelasyon ni Max noon at ngayon naman ay nakatakda siyang ikasal sa kanyang longtime boyfriend at kapwa Kapuso actor na si Pancho Magno. 
 
"These past few days, we had materials to shoot. Ang pinag-uusapan po talaga namin is 'yung mga exes namin at 'yung mga experiences namin. Ang hirap na hindi balikan. Ang dami na naming na share. Ang dami na naming alam," pagsang-ayon naman ni Lovi. 
 
Sa ngayon, hindi pa kinukumpira ni Lovi ang official status nila ng kanyang rumored boyfriend na si Chris Johnson pero madalas silang mamataang magkasama sa mga bakasyon abroad. 
 
Paglilinaw naman ng tatlo na hindi nila ginagamit ang kanilang mga ex-boyfriends sa promotion ng kanilang bagong teleserye. 
 
"We also made it a point to not specifically mention names. Hindi naman nila siguro mafi-feel na parang ginamit namin sila sa promo," pahayag ni Rhian.
 
"At this point, medyo bato bato sa langit siya. Kung feeling mo na, 'Ako 'yun ah,' eh 'di magaling," dagdag nito. 
 
Very happy naman ngayon si Rhian sa kanyang boyfriend na si Jason Choachuy, isang Filipino-Chinese businessman. 

Sa isang eksklusibong video, napag-usapan ng tatlo ang ilang bagay tungkol sa kanilang ex-boyfriends. Sino nga ba sa mga ito ang gugustuhin nilang maging kaibigan muli, maging kasosyo sa negosyo o kaya naman ay maging pari?


Nakatakdang lumabas sina Rhian, Max at Lovi sa isang sexy, lighthearted romantic comedy sa direksiyon ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes.