TV

Lovi Poe, enjoy sa pagganap ng karakter na kanyang total opposite sa 'The One That Got Away'

By Marah Ruiz

Makikilala na ngayong gabi si Alex Makalintal, ang karakter na gagampanan ni GMA Premiere Drama Actress Lovi Poe sa The One That Got Away.

Nagtatrabaho bilang isang segment host sa isang cable television company si Alex. Bukod dito, sweet at bubbly ang personality ang karakter ni Lovi.

Ayon kay Lovi, medyo malayo raw sa tunay niyang personalidad ang mga katangian ito. Gayumpaman, na-e-enjoy pa rin niya ang pagganap bilang Alex. 

"I like playing the total opposite kasi that's one of the best things about being an actor—that you get to do other things that you don't usually do on a normal day. Mas nakaka-challenge at nakaka-excite to go to work when you're doing something else," pahayag niya sa ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com. 

Nakaka-relate pa rin naman daw siya kay Alex kahit na taliwas ang kanilang mga personality.

"Si Alex kasi she's very bubbly and medyo loud, crazy and fun. I am very crazy and fun, sometimes. Siguro I can somehow relate to Alex, especially when I'm with my friends. Siyempre 'yung mga totoo mong kaibigan, sila naman 'yung nakakakita kung gaano ka-kalog ang isang tao," ani Lovi.

Abangan si Lovi bilang Alex sa The One That Got Away, mamayang gabi na, pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.