TV

Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos nagkuwento tungkol sa mga karakter nila sa 'The One That Got Away'

By Gia Allana Soriano

Nag-premiere kagabi, January 15 sa GMA Telebabad ang The One That Got Away starring Dennis Trillo with Kapuso actresses Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos. Ang tatlong Kapuso beauties ay ginagampanan ang roles bilang ex-girlfriends ni Dennis as Liam.


Si Lovi ay si Alex, ang ex na pinili ang trabaho bago ang love life. "Astig sa labas ngunit hurting at hirap mag-move on" naman si Max as Darci. Samantalang si Rhian ay "ang baliw sa pag-ibig" at gagawin ang lahat mapansin lang ni Liam.

Nagkuwento naman ang tatlong girls tungkol sa kani-kanilang karakter.

Ani Lovi, "First time ko magka-role ng ganito, na bakla siya magsalita, 'yun talaga, aminado ako at kailangan ko talaga ng guidance ng director. Pero now I'm learning at nauuwi ko na siya sa bahay."

Ang husband naman ni Max na si Pancho Magno ang kanyang pinag-aralan para sa boyish role niya. Ika niya, "Si Pancho 'yung naging peg ko. So lahat ng mga boyish, mga suntok, whatever, lahat 'yan galing sa kanya."

Pinaliwanag naman ni Rhian kung paano niya ini-internalize ang kikay character niya. Saad niya, "Kailangan gandang ganda ka sa sarili mo, tapos feeling mo napakasikat mo. 'Yung ganun, nakakatawa si Zoey."

Panoorin ang report ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News