TV

WATCH: Tambalan nina Rhian Ramos at Jason Abalos sa 'The One That Got Away,' kinagiliwan ng netizens

By Marah Ruiz

Binansagang ZoEl ang tambalan nina Rhian Ramos at Jason Abalos sa GMA Telebabad series na The One That Got Away.

Hango ito sa pangalan ng kanilang mga karakter na sina Zoe at Gael na lubos na kinagiliwan ng mga netizens at fans ng show. 

"I like si Gael and Zoe kasi 'yung chemistry nila together is parang 'yung opposites attract kind of chemistry—napaka simple [ng lalaki] at napaka kumplikadong babae. I think 'yun 'yung nagwo-work sa kanila," ani Rhian tungkol sa kanilang tambalan.

"'Yan 'yung uso ngayon," pagsang-ayon naman ni Jason. 

Ngayong linggo, mas makikita na ang mga eksena ng dalawa na hindi lang nakakakilig kundi nakakaaliw din para sa lahat ng mga manonood. 

"Sobrang masaya 'yung ekesena. Hindi mo iisipin na kikiligin [ka] pero sa mga mangyayari, pwedeng ganoon pumasok. Ang gusto naming mangyari dito ma-enjoy ng mga tao 'yung makikita nila," paliwanag ni Jason. 

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: 

 

Patuloy ding panoorin ang The One That Got Away, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.