TV

WATCH: Renz Fernandez, bumenta bilang bading sa 'The One That Got Away'

By Marah Ruiz

 

Isa sa mga pinagusapang eksena mula sa April 24 episode ng The One That Got Away ay ang pagbabalik ni Gab (Renz Fernandez) sa buhay nina Alex (Lovi Poe) at Liam (Dennis Trillo).

Mula sa pagiging touchy hanggang sa biglaang pagsulpot niya sa farm, mukhang si Gab ang bagong sakit ng ulo ng mag-asawa. 

Ano kaya ang tunay na motibo ni Gab sa pagbabalik sa kanilang buhay?

Patuloy na panoorin ang The One That Got Away, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.