TV

WATCH: Isang panibagong ex ang lulutang sa 'The One That Got Away'

By Marah Ruiz

Ngayong Huwebes sa The One That Got Away, makikilala na ni Iñigo (Ivan Dorschner) ang estranged husband ni Darcy (Max Collins) na si Popoy (Lucho Ayala). 

Magiging madamdamin naman ang usapan nina Zoe (Rhian Ramos) at Gael (Jason Abalos) ngayong break na sila. 

Samantala, pilit namang isisingit ni Gab (Renz Fernandez) ang sarili sa pagitan nina Alex (Lovi Poe) at Liam (Dennis Trillo). 

 

Abangan iyan mamaya sa The One That Got Away, pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.