TV

Glaiza de Castro, excited na para sa 'The Rich Man’s Daughter'

By MARY LOUISE LIGUNAS
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Hindi na maitago ni Glaiza de Castro ang kanyang excitement para sa nalalapit na soap na The Rich Man’s Daughter.

Maliban sa excited siyang makatrabaho ang kanyang co-stars, gusto niya na rin malaman kung paano tatakbo ang kuwento.

“Na-e-excite ako kung ano 'yung mangyayari sa show namin kasi first time na mapapanood ng mga tao [na ganito ang role ko],” kuwento niya sa Unang Hirit.

Marami raw mapupulot na aral sa programa at iba’t-ibang aspeto ng buhay ang tatalakayin nito.

“Ang maganda dito, hindi naman siya naka-focus lang sa mga lesbians eh or about dun sa love story,” dagdag ng aktres.

READ: Glaiza de Castro on her lesbian group immersion: 'Nakita ko talaga kung gaano sila katapang'

Kahit sino raw ay maaaring maka-identify sa iba’t-ibang karakter sa show.

“Madaming factors na aabangan 'yung mga tao and for sure, makaka-relate sila,” aniya.