TV

Glydel Mercado, may anak na tulad ni Jade Tanchingco?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY MAINE AQUINO, GMANetwork.com

"Frankly speaking, ang eldest kong anak ay hindi rin pa-girl."

Ito ang naging sagot ni Glydel Mercado nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin kapag ang anak niya ay maging katulad ni Jade sa The Rich Man's Daughter. Gumaganap si Glydel bilang si Amanda, ang ina ni Jade, played by Rhian Ramos. In the series, Jade falls in love with another woman, Althea, played by Glaiza de Castro.

LOOK: 10 of the most kilig RaStro photos in The Rich Man's Daughter 

Ten years old ngayon ang panganay na anak nila ni Tonton Gutierrez na si Annyza.

"Totoo 'yan. Ayaw niya mag-dress, pero hindi ko iniisip na magiging ganun siya in the future. Mahilig siya sa basketball, soccer, mga panlalaking games. Kapag magpa-party, gusto niya kapag magde-dress, paiyakan. 'Yung doll shoes, ayaw niya. [Ang gusto] rubber shoes and jeans, at saka mga three-fourths. Justin Bieber style, ganun."

READ: Netizens rave about The Rich Man's Daughter

Hindi naman daw nila iniisip na magiging lesbian ang anak dahil normal naman itong pinagdadaanan ng mga kabataan. Pero kung sakaling matulad siya kay Jade, hindi ito magiging problema sa kanilang mag-asawa.

"Okay lang sa akin if ever, kung ano ang gusto niya, 'di ba? Pero as long as maging maganda ang buhay niya, hindi siya mapariwara, okay lang, kung masaya siya doon. Pero huwag lang 'yung in a bad way."

READ: Glaiza de Castro: 'Babae pa rin ako