TV

Glaiza de Castro considers team up with Rhian Ramos as her most successful loveteam

By MICHELLE CALIGAN

Ilang Kapuso actors na rin ang naging katambal ni Glaiza de Castro sa kanyang mga naging teleserye, pero ang team up niya sa kanyang The Rich Man's Daughter co-star na si Rhian Ramos ang itinuturing niyang most effective.

READ: Rhian Ramos and Glaiza de Castro, hindi takot sa kanilang kissing scenes 


"Honestly, ngayon ko lang talaga naranasan 'yung ganitong klaseng support sa mga soaps na ginawa ko. Never kong na-imagine na magkakaroon ng following 'yung loveteam namin. Of all the loveteams na ginawa ko, ito 'yung masasabi kong pinaka-successful," natatawa niyang sagot.

READ: Rhian treats Glaiza like any other leading man 

Aniya, masaya siya sa pagbuhos ng suporta ng LGBT community sa kanilang show.

"Nakakatuwa na 'yun ang achievement sa amin, na ma-embrace din kami ng tao at magkaroon kami ng impact sa buhay nila."

Si Rhian naman, ibinahaging ngayon lang siya nakatanggap ng ganitong klaseng support from fans all over the world.

WATCH: Rhian twerks it like Miley 

"This show was also very different for me. Nakakatanggap kami ng mga liham mula sa Macedonia, 'di ba? Germany, Russia, kung saan-saan. Ayun nga, napaka-active din nila online. It's really a blessing that this has happened now that napakadaling mag-connect."