TV

Real-life couple Mikael Daez and Megan Young top bill GMA's 'The Stepdaughters' with Katrina Halili

By Bea Rodriguez

Sa unang pagkakataon, magtatambal ang real-life couple na sina Kapuso leading man Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young sa 2018 GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.
 
Parehong excited ang real-life couple turned onscreen partners. Ayon kay Mikael, “I’m super excited. Dati ko pa sinabi sa kanya noong lumipat siya [ng] GMA na sobrang excited akong makatrabaho siya.”
 
“Super excited din akong maka-work si Mikael. Excited ako kasi siyempre ‘yung samahan namin [is] outside of work. Hindi ko siya nakakasama so gusto kong malaman paano siya sa work area niya,” ani Megan.
 
Sa 2018, ipapakilala ni Mikael ang ka-love interest ni Mayumi na si Francis Soriano. Nade-develop daw niya ang kanyang karakter sa mga nakakapareha niya, “Curious ako kung ano’ng style ni Megan, ano’ng makukuha ko sa kanya at maidadagdag ko sa character dahil sa character niya. Natutuwa ako at inaabangan ko iyan!”
 
Nagustuhan naman kaagad ni Megan ang kanyang character na si Mayumi dela Rosa, “Excited ako kasi it’s similar sa MariMar character ko pero may mga differences din eh like sa pagiging simple niya, ‘yung setting sa metro, university student siya, madiskarte sa buhay tapos sa parlor siya nagwo-work. That’s something I’m really looking forward to.”

May mamumuong love triangle kina Mayumi, Francis at Isabelle Salvador na gagampanan ng primerang kontrabida na si Katrina Halili.
 
Tampok din sa The Stepdaughters ang mga mahuhusay na artista na sina Glydel Mercado, Angelu de Leon, Gary Estrada, Samantha Lopez at Sef Cadayona.