TV

WATCH: Katrina Halili is Isabelle Salvador in 'The Stepdaughters'

By Bea Rodriguez


Handa ka bang makihati sa kapatid mong hindi mo naman kadugo?

Nagbabalik sa GMA Afternoon Prime ang primerang kontrabida na si Katrina Halili bilang si Isabelle Salvador sa The Stepdaughters.

Siya ang magiging mortal na kaaway ni Mayumi dela Rosa na magiging stepsister niya sa pag-iisang dibdib ng kanyang ama sa ina ng kanyang katunggali.

Papayag kaya si Isabelle na may makihati sa kanyang pamilya, karera, kayamanan at maging sa buhay pag-ibig?

Kilalanin ang reyna ng mga Salvador na magiging mahigpit na kalaban ng ating bida ngayong Pebrero na sa The Stepdaughters.