TV

WATCH: 'The Stepdaughters,' magbabanggaan na ngayong February 12!

By Bea Rodriguez


Malapit nang um-aura sa ere ang The Stepdaughters na sina Megan Young at Katrina Halili ngayong February 12 (Lunes) sa GMA Afternoon Prime.

Ang madiskarteng si Mayumi dela Rosa at ang reyna-reynahang si Isabelle Salvador ay mula sa magkaibang mundo. Sa paglalapit sa kanila ng tadhana, magbabanggaan ang dalawang babaeng mapipilitang maging magkahati sa pamilya, karera, kayamanan at pag-ibig.

Sino ang mamalasin at sino ang suswertihin? Sino ang mananaig sa kanilang ginagalawang mundo?

Abangan sina Kapuso stars Megan Young at Katrina Halili bilang The Stepdaughters. Tampok rin sina Gary Estrada, Glydel Mercado, Angelu de Leon, Mikael Daez at Sef Cadayona.