TV

WATCH: Megan Young at Katrina Halili, nagkakasakitan na?

By Gia Allana Soriano

Tila nagkakasakitan na sina Megan Young bilang Mayumi at Katrina Halili bilang Isabelle sa upcoming GMA teleserye na The Stepdaughters

Nagkuwento rin si Megan tungkol sa mga sabunutan scenes nila. Aniya, "[Sabi ko] totohanin na lang natin kasi baka panget 'pag dinaya. So, sa few scenes namin totohanan talaga siya. To the point na natanggal 'yung extensions ko dahil sa away namin."

Dagdag naman ni Katrina, "Sabi niya (Megan Young), 'Kat 'di ko kaya mag-fake.' Sabi niya, ''Di ko kaya.' Tapos sabi ng iba, itotoo n'yo na kasi ang haba ng scene."

Nauwi raw talaga sila sa totohanan para 'di na ulitin ang mga eksena. Paliwanag ni Katrina, "Kung mamamali kami sa sampal, uulitin."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News