TV

WATCH: Megan Young, ayaw saktan si Mikael Daez?

By Gia Allana Soriano

May eksena sa The Stepdaughters na tila kailangan batuhin ni Megan Young si Mikael Daez ng sapatos. Natakot daw ang aktres at nailang pa sa eksenang ito.


Kuwento niya, "Nahiya ako sa kanya for some reason. 'Yung scene na magbabato ako sa kanya ng sapatos. Parang ayoko siyang saktan. Parang, 'Ha, okay ka lang ba? Parang ayoko matamaan 'yung mukha mo.'"

Ito ang unang beses na magkakapareha si Megan at Mikael on-screen. Very positive naman si Mikael sa bago nilang show. Aniya, "Kasi alam ko sa Instagram may chemistry kami. Twitter, may chemistry kami. Sana naman sa TV meron din."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News