TV

WATCH: Gary Estrada at Glydel Mercado, pagtatagpuin ng pag-ibig sa 'The Stepdaughters'

By Bea Rodriguez

Parehong mawawalan ng asawa ang mga karakter ng Kapuso stars na sina Gary Estrada at Glydel Mercado sa The Stepdaughters.

Magkakaroon ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig sina Hernan Salvador at Luisa dela Rosa. Pagtatagpuin sila ng tadhana at mahuhulog sa isa’t isa.

Habang nag-iibigan silang dalawa, mortal na magkaaway naman ang kanilang mga anak na sina Isabelle Salvador at Mayumi dela Rosa.

Paano matatamo nina Hernan at Luisa ang kaligayahan kung mismong mga anak nila ang magiging hadlang? Magawa kaya nilang pagkasunduin ang kanilang stepdaughters?

Magbabangaanan na ngayong Lunes (February 12) ang The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.