TV

LOOK: 'The Stepdaughters' pilot episode, nag-trending!

By Bea Rodriguez

Unang episode pa lang ay marami ng pasabog ang pinakabagong GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters. Nag-trend at pinag-usapan online ang mabibigat na mga pangyayari sa drama series.

 

 

Nailigtas ni Mario dela Rosa (Allan Paule) ang kanyang kaibigan na si Hernan Salvador (Gary Estrada) pero nasunog naman ang kanyang bahay. Pinulot sa lupa ang kanyang mag-inang sina Luisa (Glydel Mercado) at Mayumi dela Rosa (Megan Young) at doon na muna sila nakitira sa mga Salvador.

 

Ngunit makalipas ang dalawang araw ay pinalayas ng asawa ni Hernan na si Brenda Salvador (Angelu de Leon) sina Luisa at Mayumi.

Patikim pa lang ’yon ng dramang aabangan ninyo tuwing hapon, kung saan tampok ang mga batikang aktor na sina Gary Estrada, Glydel Mercado, Allan Paule at Angelu de Leon.

 Pinasalamatan naman ng The Stepdaughters lead stars na sina Megan Young at Katrina Halili ang mga tumutok sa kanilang pilot episode.

Ani Megan, “Maraming-maraming salamat sa mga sumuporta sa The Stepdaughters at sana patuloy pa rin po kayong sumupora sa show namin. Sana po [ay] patuloy niyo pa rin na magustuhan ang mga eksena namin.”

Dagdag naman ni Katrina, “Thank you po sa napakainit na pagtanggap niyo sa The Stepdaughters. Twitter party palagi ha!”

Tutukan ang The Stepdaughters araw-araw pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.