TV

'The Stepdaughters' pilot episode, trending na, panalo pa sa ratings!

By Bea Rodriguez

Talagang inabangan at sinubaybayan ng ating mga Kapuso ang pilot episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.

Trending at nanguna sa ratings ang dramang pinagbibidahan nina Miss World 2013 Megan Young at ng primerang Kapuso kontrabida na si Katrina Halili.

 

Ayon sa Nielsen Television Audience Measurement, nanguna ang The Stepdaughters na may rating na 6.5 laban sa kalabang programa na nagtala ng 4.8 na rating.

Pinasalamatan ng cast ang mga nanood ng unang paghaharap ng stepsisters na sina Mayumi Dela Rosa at Isabelle Salvador.

“Gusto ko lang magpasalamat sa inyo sa time na nilaan niyo para mapanood ang [pilot] namin, and thank you sa support na ibinibigay niyo. Thank you so much, guys. We really appreciate it,” saad ni Megan sa The Stepdaughters exclusive screening.

Anang leading man na si Mikael Daez, “Maraming-maraming salamat sa suporta ninyo sa The Stepdaughters. Talagang naramdaman namin sa mga tweets niyo [at] sa mga Instagram [posts] niyo [ang inyong suporta].”

“Maraming salamat sa pagtanggap niyo sa show namin. Thank you, thank you very much,” dagdag ni Kapuso actor Sef Cadayona sa panayam ng GMANetwork.com.

Simula pa lang iyan, mga Kapuso. Marami pang mga maiinit na eksena ang dapat tunghayan sa laban ng mag-stepsisters tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.