TV

WATCH: Megan Young at Katrina Halili, mas iinit ang bangayan sa 'The Stepdaughters'

By Bea Rodriguez

Simula ngayong linggo, mas iinit ang pagbabanggaan nina Mayumi Dela Rosa (Megan Young) at Isabelle Salvador (Katrina Halili) sa pinakabagong drama ng GMA, ang The Stepdaughters.

Sa liit ng mundo, madalas nang magkikita at magbabangayan ang mga anak nina Luisa Dela Rosa (Glydel Mercado) at Hernan Salvador (Gary Estrada).

Patuloy ang banggaan ng future stepsisters: Ang pagproteka ni Mayumi sa kanyang ina at ang pagprotekta naman ni Isabelle sa habilin ng kanyang yumaong inang si Brenda Salvador (Angelu De Leon).

Tampok sina Miss World 2013 Megan Young, primera Kapuso kontrabida Katrina Halili at veteran stars Gary Estrada at Glydel Mercado sa The Stepdaughters tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.