TV

MUST-SEE: Pilot week ng 'The Stepdaughters,' wagi sa ratings!

By Bea Rodriguez

Panalo sa ratings ang pilot week ng pinakabagong GMA Afternoon Prime drama na The Stepdaughters. Pinagbibidahan ito nina Miss World 2013 Megan Young (Mayumi Dela Rosa), primera Kapuso kontrabida Katrina Halili (Isabelle Salvador) at ng kanilang leading man na si Mikael Daez (Francis Almeda).

 

 

Pilot episode pa lang ay mabibigat na ang mga eksena na ipinakita ng veteran stars ng serye na sina Gary Estrada (Hernan Salvador), Glydel Mercado (Luisa Dela Rosa), Angelu de Leon (Brenda Salvador) at Allan Paule (Mario Dela Rosa).

 

Mahuhusay rin ang mga ipinakitang performances ng young actresses na sina Rissian Rein Adriano at Alessandra Nicole Malonzo bilang mga batang Mayumi at Isabelle.

Ito ang kuwento ng dalawang palabang babae na pilit na pinagtatago ng tadhana para ipaglaban ang kanilang pamilya, pangarap at maging ang kanilang buhay pag-ibig.

Kaya mo bang makihati sa hindi mo kadugo? Ito ang sasagutin ng The Stepdaughters tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.