TV

WATCH: Megan Young, masaya sa ratings ng 'The Stepdaughters'

By Bea Rodriguez

Painit nang painit ngayong tag-init ang bangayan ng The Stepdaughters na sina Mayumi (Megan Young) at Isabelle (Katrina Halili) sa hit GMA Afternoon Prime soap.

At habang patuloy ang bangayan ng stepsisters, consistent din na mataas na ratings ng Kapuso serye.

“It’s been a really great run for the show so far. We’ve had great ratings,” masayang ibinahagi ni Kapuso leading lady Megan Young sa report ng Unang Hirit.

Isang buwan pa lang ang drama series kaya marami pa talaga ang dapat abangan ngayong nagpakasal na sina Hernan (Gary Estrada) at Luisa (Glydel Mercado) kahit tutol ang kanilang mga anak.

“Mainit ngayon ang labanan ni Isabelle at ni Mayumi so nagkakairingan na sila dahil sa parents nila. Let’s see kung hanggang saan na lang ang pasensya ni Mayumi kay Isabelle,” saad ng Kapuso star na mahusay ang pagganap kay Mayumi.

Ang kanyang leading man sa totoong buhay na si Mikael Daez ay ang kanyang makakasama ngayong Holy Week.

Kuwento ng dalaga, “We’ll probably go away for a bit just to get a sense of clarity, and away from the traffic, and away from the hustle and bustle of the city. Basta ma-clear lang ang schedule, bigla mo na lang makikita sa Instagram.”