
Patuloy na lumalaban sa ratings ang hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters habang painit nang painit ang labanan ng mag-stepsisters.
Muling nanguna sa ratings ang The Stepdaughters noong March 28 (Wednesday) laban sa rival show nito sa afternoon slot, ayon sa Nielsen Television Audience Measurement.
Nagbabanggaan na ngayon sina Mayumi at Isabelle sa pamilya, pag-ibig at kayamanan. Umeeksena na rin si Daphne sa buhay nina Luisa at Hernan.
Panoorin ang mga pangyayari sa The Stepdaughters tuwing hapon pagkatapos ng Contessa.