TV

WATCH: Megan Young, paano mag-react sa kanyang stalker?

By Bea Rodriguez

 

Napapraning na raw si Mayumi (Megan Young) sa lalaking sumusunod sa kanya at sa buntis niyang ina na si Luisa (Glydel Mercado).

Mainit sa mata ng dalaga ngayon ang nagkukunwaring delivery boy (Edgar Allan Guzman) na inatasan nina Isabelle (Katrina Halili) at Daphne (Samantha Lopez) na ipahamak si Mrs. Salvador at ang kanyang baby.

Makumpirma kaya ni Mayumi na ang stalker nila ay konektado sa kanyang mga kalaban?

Abangan ang mga pangyayari bukas (April 24) sa hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.