TV

WATCH: Gary Estrada at Glydel Mercado, ikakasal sa 'The Stepdaughters'

 

Finally, soon to be Mr. and Mrs. Salvador na sina Hernan (Gary Estrada) at Luisa (Glydel Mercado). Matutupad na lahat na pangarap ni Luisa na magkaroon ng buong pamilya at may baby on the way pa!

Ngunit sa kasal ng dalawa, may magbabanta kay Luisa at sa kanyang ipinagbubuntis na utos nina Isabelle (Katrina Halili) at Daphne (Samantha Lopez).

Makakaramdam naman ng masamang kutob si Mayumi (Megan Young). Siya kaya ang makakapigil sa masamang plano ng kalaban nila?

Abangan bukas (April 25) ang pinakahihintay na kasal nina Hernan at Luisa sa The Stepdaughters pagkatapos ng Contessa.