TV

Edgar Allan Guzman, magiging kontrabida sa 'The Stepdaughters?'

By Bianca Geli

 

Ibinahagi ng The Stepdaughters actors na sina Edgar Allan Guzman at Sef Cadayona ang magigng karakter ng nauna bilang Froilan.

Ayon kay Edgar Allan, “Ako rin ‘yung isa sa mga uutusan ng karakter ni Katrina Halili na sirain si Luisa (Glydel Mercado) para sirain ‘yung relasyon nina Mayumi (Megan Young) at Francis (Mikael Daez). Malaking bagay, malaking story ‘yung dadalhin ko sa buhay nila.”

“So abangan niyo ‘yun, mga Kapuso, ‘yung twist sa show. Sigurado ako na tatamaan at maaapektuhan kayo.”

Dagdag ni Sef, “Siya ‘yung magiging kapatid ni someone, ‘yun ‘yung malalaman ninyo. Kung ano ‘yung magiging papel ni Edgar Allan sa mundo nina Mikael at Megan.”

Naikuwento Edgar kung paano siya tinanggap ng cast ng The Stepdaughters. “Ako actually, gusto ko mag-thank you sa kanila kasi pina-feel nila sa ’kin na welcome ako sa show. First taping day pa lang, second taping day pa lang, kinausap na nila ako.”

“Pina-feel na nila sa ’kin na dapat maging komportable ako, off-cam siyempre masaya sila kasama. Kapag on-cam, very professional silang lahat. Ang sarap nilang katrabaho kumbaga may natutunan din ako.”

May mensahe rin si Edgar Allan para sa lahat ng mga nanonood ng The Stepdaughters, “Gusto rin namin magpasalamat sa mga viewers na sumusuporta sa show, dahil po sa inyo mataas po ang aming ratings. Sana patuloy niyo po kaming panoorin at suportahan sa The Stepdaughters.